/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

2010 Automated Election

=Peds at Rey=




"Automated election," Ano ito? Higit ba nitong mapauunlad ang Pilipinas? Mas mabuti pa ba ito sa dating paraan ng pagboto?Mga kaibigan ang mga sagot sa mga katanungan na ito ay lalabas sa panahon ng eleksyon at kung ayaw ninyong maghintay nang matagal basahin ninyo ito.


Ano ang "Automated election"? Ito ay bagong sistema ng pagboto na may kaunting diperensiya sa tinatawag nating "manual election." Ang tanging pagkakaiba lang ay gumagamit ang "Automated elections" ng makina na tinatawag na PCOS o Precint Count Optical Scan. Ito ang ipinapalit sa ballot box na saan maraming pagkakamali, madaling dayain at hindi mapakinabangan. Maraming magawa ang makina na si PCOS kaya niyang bumilang sa umaga at gabi at hindi siya madaling napapagod, kaya niyang mag detekta ng mali sa ballot at hindi niya ito isasali sa nabilang, maalala niya lahat ng binilang niya at panghuli ay kailangan lang niya ng kuryente bilang pambayad sa kanyang trabaho; hindi na masyadong mapapagod ang mga miyembro ng COMELEC sa pagbilang at pag kolekta ng boto.


Siyempre naman pag may bagong “ballot box" may mga bagong ballots din para sa bagong ballot box. Ang mga ballots ngayon ay "pre-printed" na kung saan itiman mo nalang ang mga oval para pumili kung kanino ka boboto; masasabi mo na parang answer sheet sa mga entrance exams ang mga ballot. Ang mga ballot na ito ay ipapasok sa PCOS gamit ng "feeder" na kung saan niya kokolektahin ang mga boto niyo. Hindi din problema ang mga "brown out" dahil si PCOS ay may built in battery. Ang "accuracy rating" ni PCOS ay 99.995% kaya wala tayong problemahin sa tama na bilang ng boto, kaya ni PCOS i detekt ang mga fake ballots kaya "ballot snatching" at "switching" ay hindi din problema. Hindi madali ma "hack" si PCOS dahil meron siyang "128-bit encryption and transmission" kaya kahit ang mga I.T experts hindi kaya siya i "hack" at dahil dito mababawasan na ang pagpatay at iba pang madugong bahagi ng eleksyon. May "back-up" plan din daw ang COMELEC pag magkaroon ng "system breakdown" ang mga PCOS "machines." Baka may mga "extra" PCOS "machines" ang COMELEC o mga "experts" na pwedeng pagkatiwalaan sa panahon ng "breakdown."


Subalit gaano man ka high-tech ang eleksyon natin ngayon ay kailangan nating magmanman. Sapagkat maaari pa ring madaya ang mga taong bayan. May 3 paraan akong naisip na maaaring paraan para dayain ang "Automated election" at ang isa na dyan ang mga "pre-progammed" PCOS na kung saan ang "programming" nila ay pabor sa isang Kandidato. Pangalawa ay ang PCOS switching na kung saan i switch ang mga PCOS pagkatapos ng eleksyon ng mga PCOS na may mga "altered data." Pangatlo ay ang pagbili ng boto.



"Walang bagay na perpekto pag ang gumawa ay tao," kaya huwag na tayo umasa pa sa isang perpektong eleksyon. Huwag na tayong umasa na walang daya sa eleksyon at magiging malinis ito.



Para sa akin mas mabuti na ito na kung saan tumanda ang ating bansa at sumabay na sa paraan ng mga bansa na namumuno. Tulungan nalang natin ang isat-isa sa mga panahon ng kahirapan. Pasalamatan natin ang Diyos sa lahat ng ginawa niya, bigyan natin ng pugay ang isa’t isa kasi, walang imposible kung nagkakaisa.

Soul Winner

~Pamela~


Kumusta na aking kapatid?

Handa ka na bang makinig o mapaisip?

May nais lang naman akong itanong,

Sa asal mo ngayon, saan ka na patungo

pagkalipas mo dito sa pisikal na mundo?

Oo, medyo “corny” ang tanong na ‘to

Pero, magseryoso ka nga!

Alam mo na ba ang sagot mo sa tanong ko?

Hindi ako naniniwala kung sasabihin mong hindi ka naniniwala sa langit

Wala din namang seryosong gustong pumunta sa impyerno.

Dati-rati, nung ako’y musmos pa

Tinuturuan na akong manalangin at maniwala

sa Kanya, ang ating tagapagligtas

ngunit ako’y napalayo, paglipas ng panahon

nawa’y isang tangang hindi alam ang tama at totoo

Ako’y naging rebelde, pasaway na anak at apo

nawalan ng respeto: nagbulakbol, nagloko

nasira ko ang tiwala ng aking mga kamag-anak

ako’y naniwalang, kahit mag-isa’y magagalak

akala ko lang iyon, noon nung hindi pa nagsisisi.

Ngunit ngayon, ako’y sigurado na.

Paano ko nalaman?

Nakausap ko si Papa

Noong ika-12 hanggang ika-14 ng Marso

Sinabi Niya sa akin ang kanyang pangako

Dahil ako ay nananalig sa Kanya,

Dahil akin nang inihandog ang buhay ko kay Ama,

Dahil handa akong ipamahagi ang Kanyang pagmamahal,

Ipinangako na ako ng posisyon sa piling ng Maykapal

Iyan ay sigurado na, dahil ako, tulad mo, ay lubusan Niyang mahal.

Minsan

~Pamela~


Wala ngang kabuluhan ang aking isusulat

Ngunit kahit ganoon, nais kong marinig ng mundo

Mga ideya na matagal nang tumatakbo sa isip ko

Gaano nga ba kadalas ang “minsan”?

Oo! Pamilyar, ano? Galing ang linyang iyan sa isang pelikula

Pero ang mabasa ko ito, napag-isip isip na din ako

Sinasabi ng iba na ‘minsan na akong nagmahal ng todo’

Sinasabi naman ng iba na ’minsan na akong naloko’

Ngunit marami ang ‘minsan nang nasaktan’

Mayroon pang kanta na ‘minsan lang kita iibigin’

Ewan ko ba’t ako’y naguguluhan

Di’ba dapat kung ‘minsan,’ ito’y mangyayari lamang sa hindi inaasahang panahon?

Sige, iibahin ko, hindi ba dapat kung ‘minsan’ lamang nangyari ay hindi na madalas nauulit pa?

Ngunit maraming panahon ay nagkakatagpo ang ‘minsan’ at ‘palagi’

Parang ganito: palagi akong umiiyak paminsan

Ang minsan ay napakapambihira

Ngunit hanggat marami pang mga bagay sa mundo na hindi pa natitikman o nararanasan ng mga tao

Hinding hindi mauubos ang minsan ng mga tao

Kaya’t habang may minsan ay mayroon ding palagi

Dahil para sa akin ang minsan ay palaging nangyayari

Minsan nga ay hindi ko na maintindihan

Hahaha. oh, ayan na ang minsan.

Ngiti

~kim o dewyze~

Bahid ng karimlan, takipsilim ang nasilayan
Niyebe ang pumapatak sa madilim na kalangitan
Nang mapukaw ang isang manhid na kaluluwa
Sa isang ‘di nawari na ‘sang siglong pagkaidlip

Winasak ng isang pagkagumon ang diwa
Pinagitaw ang kahapong ngayo’y ’di malirip
Delubyo,wakas ng daigidig, siya ring namalasan
Tuluyang nilamon ang mundong kinahihimlayan

Kahapon, iyong ngiti ang siyang nagbigay kulay
Sa mundong hungkag at salat sa buhay
Noo’y araw-araw nasisilayan
Ngayo’y animo’y ‘di na magpakailanman

Kahapon, may isang ngiti, iyong ngiti
Sa kadilima’y siyang pumawi
Ngunit hanggang kahapon na nga lang ba
Kahapon...

Isang ngiti...
Siyang bumuhay....
Siya ring pumatay...

Nakapagtataka

~pamela~

Pag-ibig? Wala. Hindi pa yata ako dinadapuan ng sakit na ‘yun
Pwede bang hawaan mo ako?
Sige na naman oh. Paminsan lang naman ito
Maari bang tumingin ka sa akin habang tumitingin naman ako sa iyo?
Para magkaroon tayo ng pagtitinginan sa isa’t isa
Hay! Ewan. ‘Wag na lang siguro. Ibahin na natin ang tempo
Sino nga ba ang nagpauso ng “maganda” at ‘yung hindi?
Bakit ang mga feeling mayayaman, sa pobre ay nandidiri?
Bakit ‘weird’ ang hindi sabay sa uso?
Eh kung tutuusin, mas weird nga naman pagmasdan ang mga pinapauso!
Bakit maraming taong buto’t balat na ipinipilit na mataba na sila?
Paano ba naihahambing ang panlabas na anyo (bilang maganda at pangit)?
Naku! Ang mundo, napakagulo.
Pati tuloy ako, heto at nalilito.
Sa dinami-daming pausing banat at mga payo
Heto ang isa sa pinakagusto ko
“Mas mabuti kung susuutin mo ang iyong sariling tsinelas
Kaysa naman lagyan mo ng karpeta ang buong mundo.”