/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Ngiti

~kim o dewyze~

Bahid ng karimlan, takipsilim ang nasilayan
Niyebe ang pumapatak sa madilim na kalangitan
Nang mapukaw ang isang manhid na kaluluwa
Sa isang ‘di nawari na ‘sang siglong pagkaidlip

Winasak ng isang pagkagumon ang diwa
Pinagitaw ang kahapong ngayo’y ’di malirip
Delubyo,wakas ng daigidig, siya ring namalasan
Tuluyang nilamon ang mundong kinahihimlayan

Kahapon, iyong ngiti ang siyang nagbigay kulay
Sa mundong hungkag at salat sa buhay
Noo’y araw-araw nasisilayan
Ngayo’y animo’y ‘di na magpakailanman

Kahapon, may isang ngiti, iyong ngiti
Sa kadilima’y siyang pumawi
Ngunit hanggang kahapon na nga lang ba
Kahapon...

Isang ngiti...
Siyang bumuhay....
Siya ring pumatay...

No comments:

Post a Comment