~Pamela~
Kumusta na aking kapatid?
Handa ka na bang makinig o mapaisip?
May nais lang naman akong itanong,
Sa asal mo ngayon, saan ka na patungo
pagkalipas mo dito sa pisikal na mundo?
Oo, medyo “corny” ang tanong na ‘to
Pero, magseryoso ka nga!
Alam mo na ba ang sagot mo sa tanong ko?
Hindi ako naniniwala kung sasabihin mong hindi ka naniniwala sa langit
Wala din namang seryosong gustong pumunta sa impyerno.
Dati-rati, nung ako’y musmos pa
Tinuturuan na akong manalangin at maniwala
sa Kanya, ang ating tagapagligtas
ngunit ako’y napalayo, paglipas ng panahon
nawa’y isang tangang hindi alam ang tama at totoo
Ako’y naging rebelde, pasaway na anak at apo
nawalan ng respeto: nagbulakbol, nagloko
nasira ko ang tiwala ng aking mga kamag-anak
ako’y naniwalang, kahit mag-isa’y magagalak
akala ko lang iyon, noon nung hindi pa nagsisisi.
Ngunit ngayon, ako’y sigurado na.
Paano ko nalaman?
Nakausap ko si Papa
Noong ika-12 hanggang ika-14 ng Marso
Sinabi Niya sa akin ang kanyang pangako
Dahil ako ay nananalig sa Kanya,
Dahil akin nang inihandog ang buhay ko kay Ama,
Dahil handa akong ipamahagi ang Kanyang pagmamahal,
Ipinangako na ako ng posisyon sa piling ng Maykapal
Iyan ay sigurado na, dahil ako, tulad mo, ay lubusan Niyang mahal.
No comments:
Post a Comment