/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Valentine's Day ♥♥♥

-Reniel Joseph Bautista-

Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, ang araw na ito ay importante para sa mga nagmamahalan at nagkakadebelopan pa lang. Ang Araw ng mga Puso ay ang araw kung saan nagpapakita ng pagmamahal ang dalawang tao sa isa’t isa o kaya ay ginagamit ang kanilang oras para sa isa’t isa. Ito ay araw na pinakahihintay ng mga tao katulad na lamang ng Pasko o Bagong Taon.

Kada taon, sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Pebrero, milyung milyong tao ang nagbibigay ng chocolates, candies, flowers at mga espesyal na regalo sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang araw na ito ay dahil sa isang tao na nagngangalang Valentine na namatay mahigit isang libong taon na.

Ayon sa Catholic Church, si Valentine ay isang pari sa Roma. Ang emperor noon ay nagbigay ng utos na pinagbabawal ang mga binata para mag-asawa dahil mas magaling na sundalo daw ang mga ito kung walang iniisip na pamilya, si Valentine ay hindi sumunod at ipinapakasal pa rin ng sikreto ang mga nagmamahalan. Nadiskubre ang kanyang ginawa at iniutos na ipapatay siya.


No comments:

Post a Comment