/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Kris Kringle

~louie~


ang mga kamay ay naghahanda
tila 'sang karera'y gaganapin
galak at tuwa - kulay ng silid
lahat naiinip, di mapalagay

ang mga daliri'y sumisilip
pangalang nais ang hinahanap
nang pumasok sila sa lalagyan
sabay dasal naman sa mithiin

sa pagbubukas sa sobreng hawak
saya o lungkot ang nadarama
bahala na, ang tanong ngayon ay
"ano ang ibibigay sa kanya?"

No comments:

Post a Comment