/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Si Gng. Pisay sa Taong 2030

-Jimae Faith Magnaye-

Tila yesterday lang nung ako pa ay isang mag-aaral sa Pisay. Mahirap man tanggapin ngunit tunay talagang kay ikli lang ng panahong aking inilagi roon at sadyang namimis ko pa ang bawat sandali ng aking haiskul life. Namis ko ang kapaligiran ng Pisay – ang mga guro, mga lab rep at ang mga kaibigan minsan ko na lang makita ngayon. Hindi man madali ang hamon ng pamamalagi sa paaralang iyon, masasabi ko naman na ang alaala ng Pisay ang isa sa pinakamemorable sa lahat.

Twenty years na pala ang lumipas mula nung ako’y nasa ikatlong taon ng pag-aaral dun. Ngayon? Isa na ako sa wealthiest women sa buong Pilipinas at utang na loob ko iyon sa Pisay. Kung di dahil sa masusing paghubog na ginawa niya sa akin, siguro ay wala ako ngayon sa aking kinatatayuan, marahil ay naging alalahanin pa ako ng lipunan. I always thank my high school alma mater for all the great things in my life at alam kong panahon na ata na bumalik doon.

Sosorpresahin ko sana ang aking mag-anak na may papasyalan kami subalit ako ang ginulat ng aking panganay na anak.

“Ma, nakapasa gud ako ng Pisay”

“Talaga? Sure ka anak?”

“Mommy naman oh.. wala ka talagang bilib sa akin?”

“Hindi uy, pero nakapasa ka talaga?”

“Yes Mommy, eto oh, yan yung letter.”

Hindi ko inaasahang mismong ang aking anak ang magtutulay sa amin ni Gng. Pisay. Tila biro nga naman ng tadhana at binigyan ako ng pagkakataong bumalik sa lugar na aking hinahagap. Pagbukas pa lamang ng naturang liham na hawig din sa liham na aking natanggap mga dalawampu’t tatlong taon na ang nakakaraan, naramdaman ko ulit ang excitement na aking naranasan noon. Mangiyakngiyak na ang aking anak dahil sa di ko pinaniniwalaan ang kanyang sinasabi. Binawi ko naman iyon sa halik at pagsaludo sa kanya. Agad kong nasabi:

“Uy, gusto mo i-visit future school mo?”

“Is it okay ba Mommy? Excited na po kasi ako”

“Yah baby, okay masyado. Dun naman din nag-aral si Mommy noon di ba?”

Makalipas ang isang linggo ay agad bumiyahe ang aming mag-anak papunta sa Davao upang bisitahin si Gng. Pisay. Mas nasabik pa ako kesa sa aking anak sa mga sandaling iyon na ako na mismo ang nagprisinta na magmaneho ng aming sasakyan subalit di na pumayag ang aking mister sapagkat nakakatakot raw ako magmaneho. Sa panahong iyon, hinayaan ko nalang siya at di na ako nakipagtalo sapagkat nasa isip ko ang pagbabalik sa piling ni Gng. Pisay.

Mahigit dalawang oras lang ang aming byinahe upang makarating sa aming destinasyon. Pagpasok pa lang namin ay bumungad na ang isang pamilyar na imahe ng isa sa mga security guards nung kapanahunan ko. Tila kilala pa niya ako sapagkat ngumiti siya at nasabi “Buti nga at nakabisita ka.” Naging inspirasyon ko ito na parang walang pinagbago ang aking paaralan. Subalit sa paglibot ng aking mga mata ay napawow ako sa aking nasilayan.

Kay raming nagbago sa nakaraang dalawampung taon. Nashock talaga ako at nakatayo lang ako sa Guard House. Sa Guard House pa lang ay makikita na ang pagbabago. Computerized pa ang paglog-in ko at napansin ko ang programang ginagamit nila ay ang program na ginawa ko noong nasa ikatlong taon ako at pinag-ibayo lamang ng aking guro. Sa muling pamamasyal ng aking mata ay mas naging sabik pa ako sa pamamasyal sa buong campus sapagkat alam ko na mas marami pa akong makikita sa loob.

Di nga ako nabigo sa aking expectations. Malaki nga ang pinagbago ng kapaligiran ni Gng. Pisay. High Tech lahat at nasa state of the art ang lahat ng kagamitan. Meron ng electron microscope ang bawat laboratory at air conditioned na lahat ng classrooms. Parang gusto ko nang bumalik ng high school dahil siguradong napaka-conducive for learning na ng lugar. Hindi ko napansin ang taong tumatapik sa aking likuran pero nung nagsalita na siya ay naalala ko ang isa sa aking mga guro na napamahal sa akin. Siya na pala ang director ng paaralan. Di ko inaasahang makikita ko siya dahil alam kong abala siya sa kanyang mga tungkulin subalit sabi niya:

“Asus, ‘kaw talaga. Hindi ka naman kaiba”

“Pero okay lang po na nadistorbo ko kayo?”

“Hindi nga, tumawag nga si Kuya Guard para sabihing andito ka”

“Talaga po? Salamat po sa panahon. Ang laki na ng pinagbago ng Pisay!”

“Oo naman hija, ano, gusto mo ipasyal pa kita?”

Hindi na ako nakakibo nang makita ko ang isa ko pang kabatch na tila guro na. Kasama niya ang kanyang estudyante na nagpapagalaw ng isang robot. Ganyan na pala ka-High tech dito. Niyaya ako ulit ng director papunta sa iba pang bahagi ng paaralan at nagpatuloy ako sa paghanga sa mga pagbabago na naidulot ng nakalipas na dalawampung taon.

Napadako kami sa mga dormitoryo kung saan makikita ang maraming pagbabago. Tiles na ang sahig at halatang may aircon na sa loob. Sinabi ng director sa akin na airconditioned na ang kabuuan ng mga dormitoryo at maging ang mga silid ay ganon rin. Pagpunta naman namin sa may bridge ay napatunganga ako dahil malinis na ang tubig na nasa ibaba nito. Wala ng mga basura at sadyang malinaw ang tubig – makikita na ang mga isda at palakang naninirahan sa lugar. Nakakamangha talaga ang aking mga nakita.

Dinala naman ako ng director sa kakatapos lamang na track and field arena. Masasabing parang ordinaryong arena lamang ang lugar subalit sa paglapit ko pa sa mga kagamitan ay napansin ko agad na high tech na ang lahat ng naroon. Halatang di biro ang halaga na tinustos sa mga kagamitan pero sinabi ng director na mismong ang mga estudyante lang ang nag-ibento ng mga gamit roon. Malapit ko nang malimutan na hindi pala basta-basta ang mga mag-aaral sa Pisay.

Humanga talaga ako sa aking mga nakita dahil kay laki talaga ng pinagbago ng lugar. Parang kailan lang nga talaga noong andito pa ako pero ang dami ng ginanda ng lugar. Bumalik na kami sa may kantina nang mangiyak-ngiyak na naman ang aking anak dahil parang nakaligtaan ko siya. Nahumaling kasi ako sa aking mga nakita at di ko siya napakilala sa director.

Nang bumalik na ako sa reyalidad, pinakilala ko siya sa director.

“Maam, eto na po ang anak ko. NCE passer po gaya ko”

“Talaga? Mana nga talaga sa inyong mag-asawa. Matalino talaga!”

“Dito ko po siya pag-aaralin. Maganda na talaga dito.”

“Oo naman, welcome talaga siya dito.”

Dumating na ang order namin pero napansin ko na di natatanggal ng mata ng director sa akin. Tumitindig na ang balahibo ko at tila bibigyan niya ako ng pasulit. Subalit napansin ko ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata na agad pinawi ng kanyang dilaw na panyo. Parang may mali sa mga bagay-bagay sa tahanan ni Gng. Pisay.

Matapos naming kumain ay minabuti kong ipaaliw sa aking kabiyak ang aming anak habang maghaheart to heart talk kami ng aming director. Pumunta kami ng director sa tanggapan ng mga yearbook ng mga alumni. Nakikita ko pa rin ang mga yearbook na naabutan ko noong ako’y mag-aaral pa lang. Halatang punung-puno na ang mga luma at bagong shelf sa pagdagdag pa ng mga yearbook ng nakaraang batches. Isa lang itong palatandaan na wala masyadong alumni na bumabalik kay Gng. Pisay – sa ina na umakay sa kanila upang hubugin ang kanilang kakayahan at pagkatao.

Kahit naman pala kay layo na ng narating ng Pisay, may lungkot pa ring nakakubli sa kanyang katauhan. Isang puwang na di mapupunan ng kahit anong pagbabago at pagpapaganda sa mga inprastrakturang gawa sa bato. Isang pangungulila na di mapupunan ng kahit anong teknolohiya. Isang kadiliman na hindi mabibigyang liwanag ng kahit anong Siyensya.

Di ko napansing may namumuo na ring mga luha sa aking mga mata sa aking pagninilaynilay sa kalagayan ng Pisay. Napakagrande na ng paaralan subalit may kulang pa rin sa puso nito. Parang isang ina si Gng. Pisay – isang ina na umaasang makita ang mga anak na tinulungan niyang mahubog ang pagkatao – nangungulila rin sa kanyang mga alumni na hindi man lang bumalik sa kanilang pinanggalingan. Kay layo nga naman ng aming narating subalit di man lang nakaisip na siya’y kumustahin kahit minsan.

Sa muling paglubog ng araw ay muli siyang mag-aabang sa pagbalik ng kanyang mga anak – kahit walang katiyakan ang kanilang pagdating. Maghihintay siya...

No comments:

Post a Comment