/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

ANIME: Isang Libangan

-Eunice Hangad-


“Dattebayo!” – isang linyang maaaring kilala niyo na kung kanino. Ito ang linyang kadalasang lumalabas sa bibig ni Uzumaki Naruto --- na siguradong kilala niyo kung kayo’y nanonood at tagahanga ng sikat na anime, Naruto. Isa lang ito sa mga palabas na ito.

Alam niyo na siguro kung ano ang mga anime ngunit huwag kayong malito sa pagkakaiba ng anime sa cartoons! Naiiba ang dalawa, sa ibang bagay. Ang anime, sa malinaw na pagtanaw, ay mga animasyong palabas na galing sa Hapon (Japan) o ang orihinal na release ay nasa wikang Hapon. Halos lahat ay may istoryang konektado sa bawat episode na naaayon sa kani-kanilang storyline o konsepto. Karamihan sa mga anime ay napaparesan ng “manga” (pagbasa: man-ga)--- hindi ang matamis na prutas kundi ang tawag ng mga Hapones sa komiks nila. Ito ay dahil ang mayoridad sa mga anime ay nanggagaling talaga sa malilikhaing ideya sa manga na nilikha at pinagsikapang guhitin at ilathala ng mga “mangaka” (may-akda at/o tagaguhit ng mga manga). Ilan sa mga sikat na mangaka ay ang mga sumusunod: Tite Kubo (Bleach), Arakawa Hiromu (Fullmetal Alchemist), Obata Takeshi at Ohba Tsugumi (Death Note), Masashi Kishimoto (Naruto), Oda Eiichiro (One Piece), CLAMP (CCS, Tsubasa Reservoir Chroniles, xxxHolic), Hino Matsuri (Vampire Knight), Hoshino Katsura (D.Gray-Man), at Mashima Hiro (Fairy Tale, Groove Adventure Rave). Hindi lang mga mangaka ang hinahangaan pagdating sa ganitong industriya. Bumibilang din ang mga fans ng mga direktor at seiyuu o voice actors. Ilan sa mga pinakabantog na seiyuu ay sina Hirano Aya (Suzumiya Haruhi, Izumi Konata), Kugimiya Rie (Shana, Alphonse Elric), Fukuyama Jun (Lelouch Lamperouge, Hanabusa Aidou), Miyano Mamoru (Suou Tamaki, Yagami Raito), at Paku Romi (Hitsugaya Toushirou, Edward Elric). Huwag din nating kalimutan na pati mga animation studio ay may mga tagahanga (studio Pierrot, BONES, J.C. Staff, Kyoto Animation, Gainax, Madhouse, Studio DEEN, Production I.G., atbp.).

Paano nga ba posibleng makapanood ng anime, lalo na kapag pinapalabas pa ito? --- Napakaraming posibleng paraan para makapanood ng mga paborito niyong anime! Pwede kayong mag-stream sa streaming websites, mag-YouTube o Veoh, mag-download ng mga episode (.mkv, .avi, o .mp4 filename extension), o kaya naman ay bumili mismo ng orihinal na DVD o ‘yong mga pirated na nasa tabi-tabi lang.

(Pasingit: Kung gusto niyong magbasa ng manga, pumunta lang kayo sa www.onemanga.com, mangatoshokan.com, o sa mangafox.com. Kung gusto niyo magstream ng anime, pumunta lang kayo sa animeseason.com, onepieceofbleach.com, animeshippuuden.com, o zomganime.com. Marami pa naman diyang mga websites na hindi nabanggit.)


Hindi na talaga mabilang ang mga naglalabasang anime ngayon. Dumarami na rin ang mga “otaku” – salitang mas kilala sa pagtukoy sa mga taong naadik sa anime, manga, RPG, o “cosplay” (Tanong: Otaku ka rin ba?). Dahil na rin sa pagdami ng mga otaku, isinilang sa mundong ito ang ilang malalaking pagtitipon: Digi-Art Competition at ang pinakasikat sa lahat, Cosplay. Sa Digi-Art Competition naglalaban-laban ang mga magagaling sa pagguhit gamit ang modernong teknolohiya ng kompyuter. Ang Cosplay (costume play) ay kung saan ang mga otaku ay naka-costume ng kanilang paboritong tauhan sa manga o sa anime. Ginagaya rin nila ang mga kilos o pag-uugali ng mga karakter na kanilang napili. (Trivia: Alam niyo bang ang unang Anime Convention sa Davao ay naganap noong ika-30 ng Oktubre, 2008? Ginanap ito sa Entertainment Plaza ng SM Davao at dumalo rin ang iilang Pisayer!)

Tandaang libangan lamang ang anime kaya’t huwag padalus-dalos sa pagpili ng panonoorin mo. Kailangang pag-isipan muna kung ano ang maidudulot nito sa iyo.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete