/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

Ang Nababagot at Tamad

-Keith David Salarda-


Yehey! Sa wakas, natapos din ang ‘Fourth Quarter Exams’ at narito na talaga ang inaabangang lull week. Pinagbutihan n’yo ba ang inyong mga pagsusulit? Dapat lang, para wala na kayong aalalahanin pa kung sakali mababa ang nakuha n’yong marka sa nakaraang quarter. Kasali na dito ang mga nabasag na mga kagamitan sa chem lab, pati na rin ang mga hindi pa naisauling mga aklat sa library. Hmmm, ano kaya ang pwedeng gawin sa mahaba at nakababagot na mga araw ng lull week? Ang mga atletang iskolar natin ay may BAPS, GBAPS at VAPS na. Sa mga nakasali rito, maswerte kayo dahil dumating din ang pagkakataong makapaglaro kayo. Sa wakas, binuksan na muli ang basketball at volleyball court. Ang mga mahihilig naman sa musika, may Battle of the Bands. Sana, handa na ang mga kalahok sa kanilang mga musika na ipapamahagi sa atin. Para naman sa mga hindi pa handa, umpisahan n’yo na ang inyong pag-practice. Ano pa ba? Ah, nag-uumpisa na din pala ang training ng mga CAT Cadets natin na nasa third year. Sana may dala-dala kayong sun block para hindi naman umitim ang inyong mga balat. Lalung-lalo na ang mga officers na gumagabay sa kanila. Pati ba naman ang mga nagmamahalang mga estudyante ng Pisay, malaya ng naglalambingan sa mga kiosk at sa canteen.

Ngayon, ilabas na ang mga Chess Board, Pictionary, Monopoly, Cranium, Scrabble at anu-ano pang board games dyan para meron naman tayong magawa. O di kaya, mga tennis at badminton racket para makapag-ehersisyo at mapatalas natin ang ating eye-hand coordination. Pati na rin ang mga wave boards at roller skates ninyo para may bago na naman tayong mapaglaruan. Kahit mga pocket books na medjo korny o baduy, papasa na yan kung talagang nababagot tayo. Kung wala talaga, eh di, mga unan na lang para makatulog nang mahimbing sa mga lilim ng mga gazebo.

‘Hahay, ang sarap talaga kapag walang ginagawa. Sana ganito nalang araw-araw’. Ito ang kadalasang naririnig natin sa mga bibig ng ating mga estudyante. Totoo naman talaga na masarap ang pakiramdam kapag walang ginagawa. Pero kapag araw-araw na walang ginagawa, wala din tayong patutunguhan. Mali nga talaga kapag parati nalang walang ginagawa, ngunit mali din naman kapag parati nalang tayong nagtatrabaho. Mabuti nalang may lull week tayo dito sa Pisay. Kung hindi, siguradong pagod na pagod na tayo sa sobrang pag-aaral.

No comments:

Post a Comment