~Rovelyn Jamisola~
Minsan nang nagmahal
Minsan na ring nabigo
Minsan nang lumigaya
Sa piling ng mahal ko
Bakit nga ba ganito ang tinatawag na pag-ibig?
Susmaryosep!!!
Ni hindi ko maisip
Puro tawa at ngiti dala sa ating mga labi
Puno ng pagmamahal pusong sabik
Sa kanyang mangingibig na dala ng langit
Ngunit sa pagtagal ng panaho'y unti-unti ring namamatay
Apoy na minsan ay pinagsaluhan ng dalawang magsing-irog
Sa di malamang dahilan ay nawawala ang lahat
Ng pinagsamahan, ng pinagsaluhan
Kung bakit nga ba may nambabalewala
May unang bumibitaw at umaayaw na
Ang lubid na minsan ay nag-uganay sa dalawa
Ngayo'y hamak na pisi na lamang ng lungkot at pagdurusa
Sa kabila ng lahat ng ito di ko maipagkakaila
Na ang pag-ibig nakakalito talaga
Para makabangong muli ay iisa lang ang solusyon
Dantay ng totoong pag-ibig ating matatamo
Dahil sa tunay na pag-ibig kanyang ipinahamak
Ang kanyang nag-iisang anak doon sa krus ng kalbaryo
No comments:
Post a Comment