/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

Ang Sekreto ng Guyabano

_Harold Bolingot_


Maraming mananaliksik ang nagkumpirma sa hiwaga ng guyabano.

Ayon sa mga maraming pag-aaral sa Health Sciences Institute, National Cancer Institute, at Purdue University, at sa iba pang mga unibersidad sa iba’t ibang sulok ng mundo, ang “guyabano” o sour sop ay diumano’y nagpapagaling sa sakit na kanser. Kaya raw ng guyabano na puksain ang mga malignant cancer cells sa 12 uri ng cancer, kabilang na rito ang colon, breast, prostate, at pancreatic cancer. At isa pa, ito raw ay mas epektibo sa mga chemotherapeutic drugs, na ginagamit sa chemotherapy dahil pinapatay lang ng guyabano extracts ang mga cancer cells o yung mga cells na may “sira.” Hindi ito katulad sa chemotherapy na pati ang mga maaayos na cells ay napapatay. Ito ay nadiskubre noong taong 1976, ngunit hindi ito naipahayag dahil natakot ang kompanyang nakadiskubre na baka malugi sila. Dahil ito sa batas na kapag may nadiskubreng kamangha-mangha mula sa kalikasan, hindi ito pwedeng mapagkuhaan ng kita. Sa halip, ang kompanyang iyon ay gumawa ng pekeng bersyon ng guyabano extracts. Ngunit nagdaan na ang 33 taon, at nandito na ngayon ang mahiwagang sekreto ng guyabano.

No comments:

Post a Comment