/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

Pacquiao, muling nagwagi

_Essale Hymn Meñoza_

Linggo, ikalabing-apat ng Marso sa taong 2010 nang napatunayang muli ng ating Pambansang Kamao ang kanyang husay sa boxing. Ginanap ang inabangang paghaharap sa pagitan ng kampeon ng mga Pilipino at Joshua Clottey ng Ghana sa Dallas, Texas na siyang dinaluhan ng maraming tagahanga ng magkabilang panig. Bakas sa mga kapwa Pilipino kay Manny ang mainit na suporta sa kanyang laban.

Hindi naging madali kay Manny ang patumbahin si Joshua Clottey sapagkat malakas ang depensa ng naturang katunggali sa iilang mga suntok at maging sa mga mababagsik na left hook na kanyang pinakawalan. Gayunpaman, walang bakas ng pagkahapo at pagkadismayado ang nabatid sa mga kilos ni Manny. Datapwat, pinili nitong maging mas agresibo sa laban. Kaya naman ay naging mainit ang laban at umabot hangang sa ikalabindalawang round. Sa huli’t sa unanimous decision ng mga hurado ay nanatiling WBO Welter Weight Champion of the World si Manny Pacquiao.

No comments:

Post a Comment