/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

Biotechnology Forum, ginanap sa PSHS-SMC

_Arra Dianne Hifarva_

Noong ika-23 ng Nobyembre taong 2009, ginanap ang isang Biotechnology Forum sa PSHS-SMC gym upang ipagdiwang ang ikalimang Linggo ng Bioteknolohiya. Ito ay pinangunahan ng DOST sa tulong ng DOH, DENR, DILG, DepEd at DTI.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga estudyanteng nasa ikatlo at ikaapat na taon sa sekundarya. Ang mga partisipante ay galing sa iba't ibang paaralan sa rehiyon. Ang mga paaralang nakibahagi ay ang mga sumusunod:

Assumption College of Davao
Bernardo Carpio National High School
Brokenshire Science High School
Calinan National High School
Catalunan Pequeño National High School
Christian Colleges of Southeast Asia
Colegio de San Ignacio
Crossing Bayabas National High School
Davao Central High School
Davao City National High School
Davao City Special National High School
Davao Jones Academy
Digos National high School
Doña Carmen Dequiña National High School
Erico T. Nograles National High School
F. Bangoy National High School
Holy Child School - Mintal
Holy Cross of Mintal
Leon Garcia Sr. National High School
Maa National High School
Mabini National High School
Pablo Lorenzo National High School
Philippine Nikkei Jin Kai International School
Sta. Ana National High School
Sto. Niño Tugbok National High School
Talomo National High School
Toril National High School
Losa Amigos National High School
University of Mindanao Main High School

at kasama na rin ang mga estudyante ng PSHS-SMC. Ang bawat paaralan na dumalo ay nagpadala ng tig-dadalawang partisipante.

Ang tagapagsalita sa naturang forum ay si Dr. Maria Corazon de Ungria, isang Forensic Scientist sa DNA Analysis Laboratory sa UP Diliman at siya rin ay nagtapos sa PSHS main campus.

Kanyang tinalakay ang mga maitutulong ng Forensic Science sa mga mamamayan. Tinalakay din ang tungkol sa mga DNA Laboratory sa bansa at higit sa lahat ay ang tungkol sa DNA mismo.

Hindi lamang tungkol sa kanyang mga pinag-aralan ang ibinahagi ni Dr. de Ungria kundi pati na ang kanyang mga napagdaanan bilang isang Forensic Scientist. Nagbigay din siya ng mga kaso na naresolba sa tulong ng Forensic Science.

Pagkatapos ng forum, pinanood din ng mga estudyante ang Jurassic Park 1, kung saan ipinapakita ang mga aplikasyon ng Bioteknolohiya.

No comments:

Post a Comment