_Arra Dianne Hifarva_
Ang mga estudyante ng Philippine Science ay muling nagbigay karangalan sa nasabing paaralan sa ika-anim na pagkakataon noong ika-28 ng Nobyembre 2009 kung kailan ginanap ang pang-anim na Chem-Eng Cup Chemistry Olympiad sa Mindanao Kokusai Daigaku sa Lanang, Davao City.
Ang mga Phisciers ay nagkamit ng unang gantimpala. Ipinadala ang grupo na pinangungunahan ni Steven Michael Resma na nasa ika-apat na taon at ni Harold Jay Bolingot at Gerico Sy na kapwa nasa ikatlong taon. Sila ay ginabayan ni Eng. Gednyl Glory Cobarrubias, Chemistry 2 teacher ng naturang paaralan. Ang nanalong grupo ay binigyan ng isang libong piso at medalyang ginto bilang gantimpala.

No comments:
Post a Comment