/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, March 21, 2010

Brownout Na Naman!

-Essale Hymn Meñoza-

Hindi natin maiiwasan ang pagkapikon o maging pagkainis sa tuwing biglaang dumidilim ang paligid o hindi kaya’y namamatay ang telebisyon sa gitna ng inaabangang telenobela. BROWNOUT na naman!

Sadyang laganap ang brownout dito sa atin sa Mindanao. Bakit nga ba tayo kinakapos sa kuryente? Ang itinuturo umanong dahilan ay ang mabilis na pagtuyo ng talon ng Maria Christina na siyang pinagmulan ng enerhiya na nagpapailaw sa ating mga tahanan.

Natanong mo ba ang iyong sarili kung gaano ka halaga ang kuryente sa ating araw araw na pamumuhay at kung gaanong purwisyo’t kunsumisyon ang dulot ng mga brownout sa ating lahat? Hindi mo man batid ang ganitong problema, subalit kay raming mga tao ang apektado sa ganitong sitwasyon. Una rito ay ang mga negosyante tulad ng mga nagmamay-ari ng mga shopping malls at mga convenience stores na sadyang nangangailangan ng kuryente upang magkaroon ng magandang serbisyo. Kay rami ng mga nalulugi sa negosyo’t napupurwisyo sa mga brownout sapagkat balakid ito sa ating pang araw-araw na mga gawain. Subalit, wala na tayong magagawa sapagkat hindi natin kontrolado ang panahon.

Ulan umano ang kailangan upang maibalik ang normal na pondo ng elektrisidad sa buong Mindanao. Sa ngayon ang magagawa natin ay pahabain ang ating pasensya sapagkat mukhang maramot ang kalikasan sa ulan. At upang sa susunod ay unti-unti na nating mabawasan ang ganitong uri ng problema, dapat tayong magtanim ng mga punongkahoy na siyang magsisilbing Watershed na tumutulong sa pagpondo ng tubig sa ilalim ng lupa. Mabuti na lamang ay mayroon pang mga organisasyong bumuhos ng oras upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

No comments:

Post a Comment