/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, February 15, 2010

2010 JS Prom, Naganap

_Krysmarie Joy Abellana_


"Remembering the Past, Embracing the Future". Ito ang naging tema ng Juniors-Seniors Promenade na ginanap noong ika-5 ng Pebrero, 2010. Ang taunang pagtitipon na ito ay dinaluhan ng humigit kumulang 200 na mga mag-aaral at guro na pawang nagbihis ng magara para sa pormal na pagsasalo na ito.



Ang prom na ginanap sa Marco Polo ay naglayong mabigyan pugay at pasasalamat ng mga Juniors ang mga Seniors na malapit nang gagraduate. Pagpapasa ng mga responsibilidad at layunin ng paaralan sa mga kamay ng Juniors ang naging pangunahing layunin ng pagdaraos ng prom. Bukod pa rito, naipakita rin sa lahat ng dumalo ang talento sa pagsasayaw ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ballroom dance competetion ng bawat pangkat. unang ipinakita ng Sodium ang kanilang magiliw na pagsayaw ng samba na sinundan ng pagsayaw ng Lithium ng Samba. Huling nagpamalas ng galing sa pagsayaw sa Juniors ang Calcium na sinayaw naman ang Chacha. Hindi rin naman nagpatalo ang mga Seniors sa paggiling na sinimulan ng Proton sa pagsayaw ng Boogie. Sinundan ito ng Mumbo ng Electron at pagkatapos ay ang pagsayaw ng Tango ng Neutron.



Matapos kainin ang pagakaing inihanda ay pinaalam na sa madla ang mga nagwagi sa ballroom dance competetion. Ang nagkamit ng unang gantimpala ay ang Neutron, pangalawa sa pwesto ang Proton at nakamit naman ng Lithium ang ikatlong gantimpala. Maliban dito ay mayroong ibang gantimpala rin ang ibinahagi sa mga mag-aaral na nagpakita ng kapansin-pansing mga katangian noong gabi ng prom. Ang mga nagwagi ng iba pang patimpalak ay ang mga sumusunod:


Mr. Sunriser
John Vincent Catotal

Best Dressed
Kamila Isabelle Navarro at Joshua Enrique Ching

Dancing King & Queen
Gian Karlo Sam at Micah Masbad

Most Transformed
Ken Guan Hing at Meurisse Trina Angela Paz

Mr. & Ms. Junior
Raphael Leandro Sison at Pamela Angela Sacdalan

Mr. & Ms. Senior
Alfred Abella at Josephine Rebecca Royeca

Prom King & Queen
Mikoel Augustus Miclat at Hannah Lorraine Torralba




Pagkatapos ipahayag ang mga nagwagi ay sumunod naman ang dalawang oras na pagsayaw ng mga estudyante sa kani-kanilang mga kasayaw. Bago matapos ang gabi ay walang pakundangan ang pagsayaw ng mga mag-aaral kasabay sa umaalingawngaw na musika sa buong ballroom. Natapos ang prom ng ganap na alas onse ng gabi na may bakas ng ngiti at saya ang bawat mag-aaral.

No comments:

Post a Comment