/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, February 15, 2010

Mga Bulaklak

Linggo, napakabigat nang aking dibdib. Ewan ko bakit. Marahil ay dahil ito sa mga ginagawa ko o marahil ay dahil wala akong kasama maglakwatsya sa mall. Napagdisisyonan ko na magpunta nalang sa mall upang pampalipas oras. Pagdating ko sa mall, agad na bumulaga sa akin ang sandamakmak na mga panregalo sa araw ng mga puso. "Oo nga ano.", naibulalas ko sa aking isipan matapos kong mapagtanto na araw nga ng mga puso ngayon. Ngunit, may isang bagay ang nakatawag sa aking pansin, mga bulaklak. Ewan ko kung bakit titig na titig ako sa mga bulaklak na iyon. Medyo may kagandahan sila pero bakit ko rin naman yun bibilhin, wala pa kaong nais pagbigyan ng ganung mga bagay. Bigla lamang pumasok sa aking isipan si Anne. Kidlat-bilis kong tinanong ang nagbebenta kung magkano ang mga bulaklak na iyon. Matapos ang ilang minuto, hawak ko na pauwi ang mga bulaklak na kanina ko pa tinititigan.

Nang sumunod na araw, simula na nang klase para sa linggong iyon. "Ivan, gising na"."Ayoko ko pa. Antok pa po ako lola.". "Aba totoy, tanghali na. Mahuhuli ka na niyan sa pagpasok mo. Sige ka, magkakaron ka na naman ng pagliban sa iyong paaralan. At, bilis-bilisan mo ang pagkilos. Lunes pa naman ngayon."."Ano po lola, lunes?"."Oo. nakalimutan mo na bang lingo kahapon.". Tumalon ako mula sa aking higaan at agad na tumakbo papunta sa palikuran upang maligo. Habang naliligo, hindi nawala sa aking isipan ang mga bulaklak. Pati sa pagkain, iyon parin ang laman ng aking isipan. "Ivan, umayos ka nga sa pagkain. Ano ba yang bumabagabag sayo?", sabi ni lola habang ako ay kumakain. "Wala po ito lola.", maikli kong tugon. Nahihirapan parin ako kung paano ko ibibigay ang mga bulaklak na iyon kay Anne. Nang bigalng dumating ang aking sundo.

Pagdating sa eskwlahan, inilapag ko ang aking gamit sa labas nang aming silid aralan, katabi ng iba pang mga bag, pati na ang mga bulaklak na hindi mawala-wala sa aking isipan. Bigla akong nilapitan ni Carla. "Huy, Ivan, ano yan?"."Basta. Ito yung pinagusapan natin sa YM kahapon."."Ahh. Yun?"."Sinabi na ngang yun eh."."Sorry gud." sabay tawa ni Carla. Medyo nainis ako sa kanya kasi medyo nairita ako sa sinabi niya. Sumabay nalang ako sa pagtawa sa kanya para maikubli ang aking inis. napagdidiyunan ko na ibibigay ko na sa kanya ang aking hawak. "Aja!", sigaw ko sa aking isipan.

Ang puso ko ay gustong sumabog habang hinahawakan ko ang pumpon ng mga bulaklak sa aking mga bisig. Hindi ako mapakali habang ako ay naglalakad sa pasilyo ng aming paaralan. Lalo pang tumindi ang kabog ng aking dibdib nang maksalubong ko na si Anne, ang magandang si Anne. Hay... Ano ba to? Parang nahulog ako mula sa langit ng makita ko ang kanyang matamis na ngiti nang bigla kong maalala na may hawak pala akong mga bulaklak sa aking mga kamay. "Ivan, para kanino yan?", tanong ni Anne sa akin. "Ahh... Ito, para sayo. Pagpasensyahan mo na. Ito lang kasi ang nakayanan ko.". Dali-dali kong ibinigay ang aking hawak sa kanya at karipas ng takbo pabalik sa aming silid aralan. Naibulalas ko sa aking sarili nang ako ay makarating na sa silid-aralan, "Tanga, ano ba yung ginawa ko.?".

Pagdating ko sa silid-aralan agad na lumapit si Carla sa akin, ngayon kasama niya na si Marge, kaibigan rin namin. Tinawag pa ni Marge si May. Tapos ito namang si May tinawag si Jan. Ano ba to? Pinapalibutan ako ng mga tao na may isang motibo lamang sa paglapit, ang tanungin ako tungkol sa mga bulaklak. "Ano ba yun Ivan?" ibinulalas ni Marge sa aking harapan. "Oo nga Ivan.", pasunod ni May sa sinabi ni Marge. "Mga bulaklak. Wala nang iba." tugon ko sa kanila. "Uy iba na yan ha!", tukso ni Jan sa akin. "So, tinuloy mo talaga yung plano mo.", sabi ni Carla sa akin. "Wala akong magagawa, nabili ko na.". "God, Ivan. My God!", pasigaw na reaksyon ni Clara. Ngiti nalang ang aking tugon sa kanila.

Uwian na nang bigla ko na namang nakita si Anne. Kabog na naman ang aking dibdib, as usual. Pero, iba nato. Mayroon nang galak sa aking puso. Para bang may napuno na kawalan sa aking puso. Kitang-kita ko na may kislap sa mga mga mata ni Anne habang tinititigan niya ang mga bulaklak na ibinigay ko sa kanya. Ang kislap ng mata niya ay hindi katulad sa kanyang mga mata na parating mugto dahil sa pagpupuyat niya o sa palagi niyang pag-iyak. "Hoy, Anne." tawag ko sa kanya mula sa malayo. "Oy, ikaw pala Ivan.", tugo niya. "Salamat nga pala dito. Hindi ako nakapagpasalamat sa iyo dagil kumaripas ka nang takbo noonh ibinigay mo ito sa akin.". "Walang anuman", sabay pamumula nang aking mga pisngi. "Bakit namula ang iyong mga pisngi, Ivan? May sakit kaba?". "Wala ito. Wag mo na itong intindihin.". "Ganun ba. Sige." Ang saya na nang sandali na ito nang biglang sumingit sa eksena ang apat ko na kaibigan sa bandang likuran naming dalawa. Ang laki ng mga ngiti nila. Para bang nag-iinis. Hay... wala na akong paki sa kanila. At least, katabi ko siya at buo na ang araw ko
.

No comments:

Post a Comment