/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, February 14, 2010

Nobody Fever

-Lavi Cornel Subang-

"Nobody, nobody, but you", mga katagang lagi kong naririnig sa mga radyo, telebisyon at sa mga kanto ng Davao City. Sinasabayan pa ito ng mga sayaw, kumpas ng kamay at ibat-ibang galaw ng paa.

Noong huli kong punta sa Maynila, sa bawat sakay ko sa taksi, itong kantang ito ang pinapatugtog ng mga istasyon sa radyo. Napapakanta pa nga ang mga taksi driver at mga tao sa jip na aking nakikita. Ano kaya ang mayroon sa "Nobody" bakit ito pumatok sa takilya.

Ang Nobody ay isang kanta na pinasikat ng koryanong grupo na Wonder Girls. Ayon sa music video ng nbody, ito ay isang kanta ng mga back-up singers na naging sikat matapos ang isang gabi na hindi sumipot ang isang mang-aawit sa kanilang palabas. Napilitan lamang sila na kantahin ang kanta upang palitan ang nasabing mang-aawit. Ang rason bakit nawala ng mang-aawit na yaon ay dahil siya ay nasa palikuran at wala na tisyu pagpasok niya doon, kaya nagtawag pa siya ng tao upang tumulong sa kanyang kondosyon. Kakaibang istorya.

Ngunit, hindi ang video ang nagpaaliw sa mga pinoy, kundia ang kanta mismo. Natural na mahiligin ang mga pinoy sa mga awit at sa pagsasayaw. Kaya, hindi na ako nagtaka nang una kung marinig ang kanta na itong kantang ito ay magugustuhan ng mga pinoy. Naibulalas ko sa aking sarili na ito ang siguradong kaiindakan ng mga pinoy.

Matapos ang ilang lingo ng una kung narinig ang kanta, agad itong naging numero uno sa mga lathalaan ng mga kanta sa radyo at music channels sa tv. Ipinapakita lang nito na ang mga pinoy, kahit na ang kanta ay hindi nila maintindihan, ay sasaby sa kanta, sa pag-awit man o pagsayaw. Ito rin ay nagpapakita ang mga pinoy ay bukas na sa mga dayuhang kanta.

No comments:

Post a Comment