/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, February 14, 2010

Cory Magic

-Lavi Cornel Subang-

"Ano ba talaga ang nagawa ni Cory?" isang tanong na hindi natanggal sa isip ko hanggang ngayon. "Bakit kaya siya minahal ng mga tao?"

Si Pangulong Aquino o Cory sa lahat ng tao ay ang maybahay ng namayapang si Ninoy Aquino. Dahil dito, naging sikat siya, pati na ang kanyang mga anak. Si Kris Aquino ay isa na doon.

Hindi dahil may bahay siya ni Ninoy ay dapat na siyang mahalin. Minahal siya dahil sa kanyang paniniwala. Malakas ang kapit niya sa mga tao at sa simbahan. Sa katunayan nga, siya lang ang naging pangulo na pabor ang simbahang katolika dito sa pilipinas.

Si Cory ay may malaking paniniwala na dapat nang patalsikin si Marcos sa kanyang puwesto dahil sa lahat ng kabalastugan na kanyang pinaggagawa sa ating bansa. Dapat na siyang masibak dahil ayaw na ni Cory na makita ang kanyang mga kababayan na naghihirap dahil sa nakaupong pangulo. Gusto na niyang itigil ang mga pangbababoy na ginagawa ni Marcos sa mga pilipino.

Napagbuklod ni Pres. Aquino ang mga tao laban kay Marcos. Katunayan nga, siya pa ang namuno sa mga tao sa kaunaunahang "people power" dito sa ating bansa. At dahil dito, lalo pa siyang minahal ng mga tao. Sabay-sabay na nagmartsa ang mga tao kasama si Cory, mga pari at mga madre sa EDSA upang kalampagin ang gobyerno upang maalis na si Marcos. Nagtagumpay sila. Pumalit si Cory sa puwesto.

Sa pamumuno ni Cory, maraming nagtatanong kung ano ba talaga ang nagawa niya. Isa lang ang nasa isip ko na ginawa niya. Ito ang bigyan ang Pilipinas ng isang "Transition Government". Siya ang nagplantya sa lahat ng gusot na ginawa ng rehimeng Marcos. Tinanggal niya ang lakas ng militar upang manghuli ng mga tao ng walang "warrant of arrest". Inilagay niya sa kanyang kamay ang pamumuno sa mga kapulisan upang matigil ang mga kaguluhan na nagmula sa mga tagasuporta ni Marcos.

Nang namatay si Cory, dagsaan ang mga tao sa lansangan upang kahit sa huling sandali ay makita nila si Cory. Sa aking pananaw, gento pala kamahal ng mga tao ang yumaong dating pangulo. Itinigil nila ang kanilang trabaho upang kahit sa isang saglit, masilayan pa nila si Cory. Parang baha ang mga tao nagdagsaan. Kitang-kita ko sa tv nang araw na iyon na ang lahat nang mga channel ay isa lang ang ipinapakita. Sabay kong nanonood ang milyun- milyong pinoy dito at sa ibang bansa. Kahit ako ay lalong naging "proud" sa aking pagiging pinoy dahil sa kanya.

No comments:

Post a Comment