/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Sunday, February 14, 2010

Ang Pagkakaiba ng Dalawang Kampeon

_Lavi Cornel Subang_

Parehong nanalo sina Manny "Pacman" Pacquiao at Z Gorres sa kanilang huling laban. Pinatumba ni Pacman si Cotto sa huli niyang laban. Tinalo naman ni Gorres si Luiz Melendez. Ngunit, may malaking diperensya dalawang kampeon na ito.

Ngunit, sa kasamaang palad, hindi pareho ng kapalaran si Z Gorress at Manny Pacquiao.

Umuwi si Pacman ng mayroon lang galos sa kanyang mukha at katawan. Iprinoklama rin siyang Pound per Pound King dahil sa resulta ng kanyang huling laban. Nakauwi siya kaagad sa Pilipinas matapos ang ilang araw ng pagpapahinga sa America. Pinarangalan siya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Order of Sikatuna matapos ang ilang araw ng kanyang paglapag sa paliparan ng Ninoy Aquino.

Hindi nakapagpahinga si Gorres matapos ang kanyang laban, katulad nang nangyari kay Pacman.. Bagkos, agad siyang isinugod sa hospital dahil sa komplikasyon na namuo sa kanyang katawan. Nabigla ang buong bansa sa balitang ito.

Ayon kay Michael Aldeguer, manager ni Gorres, mayroong natagpuang mga barasa kanyang utak, na naging sanhi ng kanyang agad na panlulupaypay matapos ang kanyang laban. Ang kondisyong ito ay tinatawag na subdural hematoma.

Nangailangan si Gorres ng mga panalangin sa kanyang operasyon matapos ang kanyang laban. Hindi naman ito ipinagkait ng kanyang mga kababayan sa lugar na tinubuan.

Hanggang ngayon ay nasa hospital parin siya at nagpapagaling. Sabi ng mga doktor, ayos na ang kanyang kalagayan, ngunit hindi pa niya gaanong magalaw ang kaliwang bahagi ng kanyang bahagi ng katawan dahil hindi pa gaanong magaling ang kaliwang bahagi ng utak ni Gorres. Mabuti nalang ay hindi tinamaan ang parte ng utak ni Gorres na respomsable sa kanyang memorya, at dahil dito, nakikilala niya pa ang lahat ng bumibisita sa kanya.

No comments:

Post a Comment