/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Friday, February 12, 2010

4s

~Eunice Hangad~

Tagsibol, tag-init, taglagas, taglamig sa panaginip

Na kumikislap-kislap tulad ng isang bituin

Palagi nitong binubulong sa akin

"Sa 'yo ay nahulog na rin"

...

Tagsibol, tag-init, taglagas, taglamig na pag-ibig

Hihip ng hangin sa aking dibdib

Palagi kong minimithi

"Gagawan ko kayo ng malabahagharing ngiti"

...

Natatandaan ko pa noong mga anghel tayo

Napakasaya ng mga araw ko

Na parang manyebeng Pasko

Ang lagi kayong makasama ang hangad ko

...

Ang bawat hakbang ay isang bagong kwento

Na puno ng pagmamahal ko

Nag-iisa kong irog at nawawalang kaibigan noong panahon

Sana'y lagi ko kayong nakasama hanggang ngayon

...

Kung ipapakita niyo ang tanging mundo

Kung saan mapupuno ng pag-ibig ang puso

Lahat ng mga araw ay puputing lalo

Na parang manyebeng Pasko

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete