/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Pintuho

~kim o dewyze~


Mula sa rurok-lalim at mahiwagang mundo ng karimlan

Akala'y bawat pintig ng damdami'y matatakasan

Hihinto ang bawat tibok na sa 'yo lamang inilaan

Ngunit 'yong pagkatuso'y 'di natakasan

'Pagkat sa 'yong tingin, tuluyang nanghihina

Dating walang kasing tatag na kalasag ng aking kaluluwa

'Pagkat sa 'yong mukhang naglalagda ng misteryo

Pag-ibig ko, animo'y may alab ng gerero

'Pagkat sa isang nilalang na tulad mo

Sumusumpa ng pagliyag ang puso ko

Ilang beses mang sugatan ang aking mga kamao

Na nagbibigay lakas sa talim ng talinghaga

Dala ng bawat taludtod ng tulang pilit na binibigyan ng mahika

At bagama't yaring mundo'y mapanghusga

Tanging nadaramang ito ang katiningang nananatili

Sa diwa at pusong malaon ng sawi


No comments:

Post a Comment