/Ha-ra-ya/

pagliliwaliw ng isip, pagmamasid, pagkilala sa kariktan ng isang
bagay...pagkatakas mula sa pisikal na anyo ng buhay habang patuloy na kumakapit
sa totoong diwa...

haraya- makinig.makimasid.mangarap.


Monday, March 22, 2010

Pabaon

~jimae~


Hindi madaling magsabi ng goodbye

Sa mga taong nakasama ng ilang taon

Kahit buwan man o mga araw lang

Ang pamamaalam ay di easy bigkasin.

- - - - - - - - - - - - - - - > > > - - - - -

Simbolo kayo ng saya at excitement

Amazing talaga sa lahat ng aspeto

Kaya marami kaming natutunan sa inyo

Kaya rin di mabilang ang mga alaalang ating nabuo.

- - - - - - - - - - - - - - - > > > - - - - -

Mabilis ang paglipas ng mga buwan

Araw, oras at minuto’y nalagas at dinala ng hangin

Nabibilang na ang mga araw na inyong ilalagi rito

At naitakda na ang araw ng inyong paglisan.

- - - - - - - - - - - - - - - > > > - - - - -

Nababatid namin ang sadness ng inyong pag-alis

At ang kaba sa pagharap sa bagong mundo sa labas ng ating Zoo

Pero alam naming kakayanin niyo ang laban

Ang barracudas pa, seniors naming yan!

- - - - - - - - - - - - - - - > > > - - - - -

Alam naming malayo ang inyong mararating

Sapagkat tunay kayong matatalino magagaling

Sabay pa sa gabay na binigay ni Aling Pisay

Malalampasan niyo ang bawat alon dala ang tagumpay.

- - - - - - - - - - - - - - - > > > - - - - -

Wala man kaming pera o yamang maipapabaon sa inyo

Munting paalala lamang ang aming maibibigay

Lagi kayong mananatili sa aming puso

Kasama ang ating alaalang binuo.



No comments:

Post a Comment